GMA show ni Boy, 20 minuto lang eere!

GMA show ni Boy, 20 minuto lang eere!

January 16, 2023 @ 1:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – All-systems-go na sa pagsisimula ng show ni Boy Abunda sa GMA.

Titled Fast Talk, magsisimula itong umere sa January 23, ganap na 4:05 hanggang 4:25 araw-araw.

Lalamanin nito ang biggest and most controversial showbiz issues, mga panayam and true to its title, ang sikat na Fast Talk segment.

This heralds Boy’s return to GMA na orihinal niyang tahanan.

Matatandaang hinost ni Boy kasama si Gretchen Baŕretto ang Show and Tell noong 1994.

A year later, kasama naman niyang binuksan ang Startalk with Kris Aquino at Lolit Solis.

Taong 1999 nang lumipat ang tinaguriang King of Talk sa ABS-CBN via The Buzz at nasundan pa ng maraming programa.

However, the onslaught of pandemic in 2020 had sidelined Boy who turned to social media via his vlogs on his channel.

Ang pagsunggab sa offer ng GMA ang dahilan kung bakit hindi tinanggap ni Boy ang alok ng Miss Universe Organization na magsilbing show commentator sa 71st edition ng nasabing pageant sa New Orleans, Louissiana.

Bukod sa Fast Talk, may public affais program pang ihohost si Boy kasama ang magkapatid na Cayetano.

Ayon din sa kanya, nais niya ring magkaroon ng interview show na naisipan na niya ng pamagat: Tell Me Your Story. Ronnie Carrasco III