Go: Gabinete ni PBBM, good job!

Go: Gabinete ni PBBM, good job!

August 15, 2022 @ 8:47 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Wala pang nakikitang problema si Senador Christopher “Bong” Go, miyembro ng Commission on Appointments (CA) sa mga itinalagang Cabinet members ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nakatanggap si Go ng official list ng mga appointees subalit base sa kanyang obserbasyon, ang gabinete ni Pangulong Marcos ay ‘nagta-trabaho’.

“Hindi pa dumating sa amin ‘yung listahan formally pero so far, nakikita ko na nagtatrabaho naman sila,” ayon kay Go sa isang panayam sa Barangay Maliksi 2, Bacoor City, Cavite, araw ng Linggo

Ang CA ay bahagi ng checks and balances system ng gobyerno, nangako na hihintayin ang kuwalipikasyon ng mga appointees.

“Kung qualified naman po ay susuportahan natin at ipaalala sa kanila na unahin ang pagseserbisyo. ‘Pag pumasok tayo sa gobyerno ay unahin natin ang interes ng mga kababayan natin, interes ng bayan, interes ng bawat Pilipino,” dagdag na pahayag ni Go. Kris Jose