Go Negosyo 3M (Mentoring, Money, Market) On Wheels, gumulong sa Malabon

Go Negosyo 3M (Mentoring, Money, Market) On Wheels, gumulong sa Malabon

February 13, 2023 @ 9:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magkasamang dumalo sa Go Negosyo 3M (Mentoring, Money, Market) On Wheels sina Malabon Mayor Jeannie Sandoval, Navotas Mayor John Rey Tiangco at iba pang opisyal upang saksihan ang pagbibigay ng Go Negosyo mentors ng libreng business tips at advices tungkol sa pagnenegosyo.

Ang 3M On Wheels ay isang programa ng Go Negosyo na naglalayong makatulong sa maliliit na negosyo sa pamamagitan ng paghahatid ng mentorship, financial assistance, at isang support network. Jojo Rabulan