Go pormal nang umatras sa pagtakbong Presidente

Go pormal nang umatras sa pagtakbong Presidente

December 14, 2021 @ 11:29 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Personal nang naghain ng kanyang withdrawal of candidacy sa pagkapangulo sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros Manila si Senador Bong Go.

Ang senador ay dumating sa Palacio del Governador sakay lamang ng isang taxi gayundin sa kanyang pag-alis.

 Kuha ni Crismon Heramis

 

Ayon kay Go, walang nakakaalam sa kanyang pagtungo sa Comelec kundi si Pangulong Rodrigo Duterte lamang upang hindi Ito dagsain ng mga tao.

Sa kanyang maiklinv interview, sinabi ng senador na matagal na niyang napagdesisyunan ang pag-atras sa presidential race.

Humihingi naman ito ng pang-unawa sa kanyang mga supporters na kanyang naging desisyon.

Sinabi ng senador na Mahal na Mahal niya ang sambayanang Filipino at kahit umatras Ito sa pangkapangulo ay maari pa rin naman siyang tumulong.

Hiniling din nito sa sambayan na tulongan na lamang sila ng Pangulo na pumili ng susunod na Presidente na maaring makapagpatuloy sa mga nasimulan ng administrasyong Duterte.

Si Go ay sinabayan ng mga motor riders sa kanyang paglisan sa Comelec.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)