Goalkeeper ng FIFA World Cup Champ, Pinoy pala

Goalkeeper ng FIFA World Cup Champ, Pinoy pala

July 16, 2018 @ 5:18 PM 4 years ago


Sa likod ng pagkakasungkit ng France sa 2018 FIFA World Cup, dugong Pinoy pala ang nananalantay sa kanilang 25-year-old na goalkeeper.

Parehong Pinoy pala ang magulang ni Alphonse Areola, na ipinanganak at lumaki sa Paris.

Siya ang tanging  Pinoy na napabilang sa French National Men’s Football Team.

Nakilala si Areola na isa sa mga pinakamagaling na keeper ng kanyang henerasyon.

Sa kabila ng pagiging laking-Pranses, nagsusumigaw pa rin ang pagka-Pinoy nito lalo na sa kanyang Instagram.

Sa post nitong litrato kasama ang Lebanese na misis na si Marrion, inilagay nito ang mga Tagalog na salitang, ‘mahal kita’ sa caption.

7ans à mes côtés babydoll 👫 mahal kita @areola.marrion

A post shared by Alphonse Areola (@areolaofficiel) on

Bukod dito, nagdiwang din ang goal keeper nang manalo si Pia Wurtzback bilang Miss Universe.

Nasungkit ng France ang panalo kontra Croatia bilang pagtatapos ng 2018 FIFA World Cup Finals, sa iskor na 4-2. Ito na ang naitalang pinakamataas na scoring simula noong 1966. (Remate News Team)