Gobyerno bukas sa muling pagpapatupad ng lockdown vs Delta variant – Dizon

Gobyerno bukas sa muling pagpapatupad ng lockdown vs Delta variant – Dizon

July 28, 2021 @ 2:33 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bukas ang gobyerno na muling pagpatupad ng lockdown dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta variant.

“We saw the experience of other countries and we need to prepare; lahat ng options, dapat maging open tayo kung ano ang puedeng gawin,” sinabi ni Deputy Chief Implementer of government pandemic task force Vince Dizon sa Laging Handa briefing.

“But of course we need to balance the response and it will be a difficult decision. We will be guided by our experts and we will work hard for a balanced solution,” dagdag ng opisyal.

Kamakailan, inirekomenda ng OCTA Research group na magpatupad ng dalawang linggong “circuit breaker” lockdown sa Metro Manila matapos tumaas ang reproduction rate ng lungsod sa 1.33.

“It is hard to say if we are going to be ready in the event of a Delta variant infection surge because the virus is unpredictable. But what we can do is to increase our hospital beds, both ICU and regular beds, and speed up our vaccination,” giit ni Dizon.

Samantala, sinabi rin nito na nagtala muli ng pinakamataas na bilang ng nabakunahan sa isang araw na pumalo ng halos 650,000 COVID vaccine dose.

Sa huling tala, 18 milyong Filipino na ang bakunado kung saan 6.8 milyon sa mga ito ay kumpleto-bakunado na. RNT/ELM


  •  
  •  
  •