Gobyerno, hahabulin ang mga rice hoarder

Gobyerno, hahabulin ang mga rice hoarder

August 7, 2018 @ 4:49 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Gagamitin ng pamahalaan ang buong puwersa nito para habulin ang mga rice hoarder.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na alam na mismo ni Pangulong Roa Duterte kung sino-sino ang mga rice traders na iniiipit ang paglabas ng kanilang mga produkto sa merkado.

Alam din ng Pangulo kung nasaan ang mga warehouses na pinagtataguan ng mga bigas.

Sa kabilang dako, muling binalaan ng Malakanyang ang mga sakim na negosyanteng nasa rice industry na ipasasalakay ni Pangulong Duterte ang warehouse o bodega ng mga ito kung patuloy na magmamatigas at hindi ilalabas sa merkado ang mga iniimbak na mga bigas.

“The President, consistent with his pronouncement on the SONA, made it very clear that he would not hesitate to use the entire power of the state, to utilize police power even to order the seizure of hoarded rice in the warehouses of these rice hoarders ‘no. And so, he invoked national security in this regard; so we warn rice hoarders that the President will use the full force of the state and force open warehouses where these hoarded rice may be found,” ayon kay Sec. Roque. (Kris Jose)