Gobyerno, handa sa malakas na lindol na tatama sa bansa – Borje

Gobyerno, handa sa malakas na lindol na tatama sa bansa – Borje

December 7, 2022 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Handa ang gobyerno sa malakas na lindol na tatama sa bansa.

Sa isang  panayam, sinabi ni Climate Change Commission Commissioner Robert Borje na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para maharap ang ganitong tipo ng lindol.

“The government is doing all that it can to be prepared for this type of earthquake and other disasters and I think the NDRRMC is working very hard together with OCD and the members of the NDRRMC to ensure that we are all prepared,” ayon kay Borje.

Hinggil naman sa panukala na amyendahan ang National Building Code, sinabi ni Borje na ang kailangan na tanungin sa bagay na ito ay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD).

Subalit sa kanila aniyang pinakabagong pagpupulong ay napag-usapan na gawing mas preparado ang bansa at ang Kalakhang Maynila.

Mayroon aniyang pag-aaral hinggil sa pangangailangan ukol sa “earthquake preparedness.”

“And may I say that perhaps it’s also appropriate to consider typhoon preparedness as part of the plan. Kung meron tayong national earthquake day or earthquake drill, siguro maganda may similar activities for climate change induced risks and hazards para preparado ang lahat sa anumang mangyayari,” aniya pa rin. Kris Jose