Gobyerno hihingi ng tulong sa mga telco sa karagdagang hospital referral hotline

Gobyerno hihingi ng tulong sa mga telco sa karagdagang hospital referral hotline

April 7, 2021 @ 3:10 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Handa si Presidential spokesperson Harry Roque na muling makipag-ugnayan sa telecommunication companies para maragdagan ang linya na maaaring matawagan ng mga mamamayan na naghahanap ng ospital upang doon madala ang mga kaanak nilang seryosong tinamaan ng virus.

Sa harap na rin ito ng ulat na nahihirapang makapasok sa One Hospital Command Center hotline ang mga nais magtanong kung ano-anong mga pagamutan pa ang bakante kung saan maaaring ma-admit ang nakapitan ng COVID-19 na nangangailangan ng atensyong medikal.

Sinabi ni Sec. Roque na maaari siyang muling mamagitan sa mga telecom provider kung kailangan para sa mas marami pang linya lalo na’t hindi kataka-taka na mas maraming tumatawag sa hotline ng One Hospital Command.

“I was instrumental actually in increasing the telephone lines to the One Hospital Command Center if you will remember ‘no in one of my press briefings,” ani Sec. Roque.

Importante aniyang masiguro na magiging madali ang access ng ating mga kababayang naghahanap ng pagamutang maaari nilang pagdalhan sa kanilang kaanak na nagpositibo sa COVID.

Naniniwala naman si Sec. Roque na hindi problema ang manpower gayung ibinuhos na aniya ng buong byurukrasya maging ng mga private call center operator ang kanilang puwersa para sumagot sa mga inquiry ng mga naghahanap ng pagamutan para sa kanilang kaanak na nadapuan ng coronavirus.

“I called the telecoms provider ‘no. If we need to contact the telecoms provider again for more lines, we will do it. But as far as manpower is concerned, I don’t think we have a problem with manpower because we are harnessing the entire bureaucracy of government for this purpose, and even the private sector because these are manned actually by private call center operators ‘no.

So if the problem is additional telecom facilities, we will make arrangements again to increase the number of lines so that anyone can access the One Hospital Command Center,” ang pahayag nito.

“We’ll look into that because I know we’re utilizing private call center’s operators for this purpose who are experienced in dealing with this line of business. But I will check with Usec. Vega what else he needs so that the Palace can give the necessary assistance,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose


  •  
  •  
  •