Gobyerno, may libreng sakay para sa mga stranded sa baha

Gobyerno, may libreng sakay para sa mga stranded sa baha

July 18, 2018 @ 2:15 PM 5 years ago


Manila, Philippines – May libreng sakay na binibigay ang lokal na pamahalaan sa mga commuter na stranded sa mga bahang pangunahing lansangan na dulot ng malakas na pag-ulan dahil sa Habagat.

Ito ang kinumpirma ni Joint Quick Response Team spokesperson Atty. Aileen Lizada kung saan sa pamamagitan ng hotline 136 ay pwedeng mag-request ng libreng sakay.

Ayon kay Lizada, naka-standby na ang ilang mga truck at bus sa apat na ruta kabilang ang mga sumusunod:

  • Commonwealth Circle hanggang Quiapo, Manila;
  • Monumento sa Caloocan hanggang Pedro Gil Street sa Manila;
  • US Embassy papuntang Baclaran;
  • At EDSA-Timog sa Quezon City patungong Taft Avenue in Manila.

Pansamantala na rin tinanggal ng Metropolitan Manila Development Authority ang number coding ng mga city bus ngayong araw. (Remate News Team)