Gobyerno nais maglaan ng P152-B budget para sa climate, disaster risk reduction sa 2021

Gobyerno nais maglaan ng P152-B budget para sa climate, disaster risk reduction sa 2021

September 20, 2020 @ 6:01 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maglalaan ang gobyerno ng P152.35 billion budget para sa implementasyon ng convergence program sa climate change adaptation at disaster risk reduction sa susunod na taon para mapaunlad ito.

Nabatid ito ay ayon sa Cabinet Cluster on Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) na pinamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon sa cabinet cluster na ang Duterte administration ay naglaan ng P152.35 billion para sa Risk Resiliency Program (RRP) ng pamahalaan sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program na isinumite sa kongreso.

Ang halagang ito ay mas mataas ng 30 porsyento sa P117 billion na inilaan para sa programa ngayong taon.

Nabatid sa DENR ang pagtaas ay dahil na rin sa pag-align ng mga programa at aktibidad para sa mga priority policy, strategy at proyekto ng Inter-Agency Task Force Technical Working Group on Anticipatory and Forward Plan para sa “new normal” ng CCAM-DDR sector.

Ayon kay DENR Undersecretary for Finance, Information System and Climate Change Analiza Rebuelta-Teh, ang panukalang pondo ay gagamitin sa pagpapatayo ng resilient at sustainable communities habang ang bansa ay dumadaan sa coronavirus crisis.

“We are still in the midst of a health crisis brought about by the COVID-19 pandemic. The country needs programs that will strengthen the resilience and adaptive capacities of its communities, especially in climate-vulnerable provinces and major urban centers,” sabi pa ni Rebuelta-Teh.

Layunin ng RRP na maitaas ang antas ng adaptive capacities ng vulnerable na komunidad; matiyak ang sapat na suplay ng hangin, tubig at iba pang likas yaman; maiangat ang katatagan ng critical infrastructures; at maitaas ang kaalaman sa information at institutional capacities ng mga  komunidad.

Para sa susunod na taon, prayoridad ng RRP ang 14 climate-vulnerable provinces na nanganganib sa pagtaas ng sea levels, malalakas ng pag-ulan, mainit na panahon at pagtaas ng ocean temperature na nakapipinsala sa resources supply.

Kabilang sa mga probinsiyang ito ang Masbate, Sorsogon, Negros Oriental, Western Samar, Eastern Samar, Sarangain, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Bukidnon, North Cotabato at Sultan Kudarat.

Kasama rin sa programa ang apat na major urban centers na Metro Manila, Metro Cebu, Metro Iloilo at Metro Davao.

Ayon naman kay DENR Secretary Roy A. Cimatu, ang pagtugon sa climate change ay nananatiling isang pangunahing prayoridad ng gobyerno kahit na abala ang pamahalaan sa pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19.

Sinabi pa ni Cimatu, ang climate emergence ay katulad rin ng COVID-19 crisis na dahan-dahan at lubhang mapanganib dahil Malaki ang banta nito sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.  Santi Celario


  •  
  •  
  •  

Loading...