Gobyerno, pinag-iingat na sa pagbili ng aircrafts

Gobyerno, pinag-iingat na sa pagbili ng aircrafts

July 6, 2021 @ 4:18 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinagdodoble-ingat na ng mga senador ang gobyerno sa pagbili ng mga eroplano para sa Philippine Air Force kasunod ng nangyaring C-130 plane crash sa Sulu noong Linggo na ikinasawi ng 52 tao.

Sabi ni Senator Imee Marcos, dapat na iwasang bumili ng pamahalaan ng mga aniya’y indi dapat “flying coffins” o lumilipad na kabaong.

Giit niya, hindi dapat isugal ang buhay ng mga sundalo at dapat iwasang may mga pamilyang mauulila dahil sa mga trahedyang tulad ng nangyari sa Sulu.

“Nakapanghihinayang ang kanilang maagang pagkawala dahil maituturing silang mga bayani natin sa panahon ng kalamidad at sa oras ng kagipitan,” ani Marcos.

Payo naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, madaliin ang aircraft modernization ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“We really need to fast-track our aircraft modernization so we can stop ruining lives like this, and ensure that no other accident surpasses this one in the future,” ani Zubiri.

Nanawagan din si Zubiri sa Department of Budget and Management na hanapan ng pondo ang PAF modernization para mapalitan na ang mga lumang C-130 at iba pa nitong air assets. RNT