Gobyerno sablay sa target na mabakunahan sa A2, A3 – eksperto

Gobyerno sablay sa target na mabakunahan sa A2, A3 – eksperto

June 2, 2021 @ 2:48 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Sumablay ang gobyerno na maabot ang target nito na mabakunahan sa kategorya ng mga senior citizens at mga may comorbidity.

Ayon ito kay Dr John Wong ng IATF Sub Technical Working Group on Data Analytics dahil nasa 14 percent lamang ng target na A2 ang nabakunahan habang nasa 8 percent lamang aniya ang nabakunahan naman sa may comorbidity.

Mula aniya sa target na mahigit 9.4 million na seniorr citizen, nasa 1.3 milyon pa lamang ang nabakunahan habang sa may comorbidity nasa 1.15 milyon pa lamang mula sa target na 14.55 milyon.

Ayon sa eksperto, dapat aniyang alamin ng gobyerno kung bakit nasa halos  kalahati ng mga dapat tumanggap na ng ikalawang dose ang hindi sumipot para maturukan

Dagdag pa ni Dr Wong na bagamat marami rin ang gustong magpabakuna pero wala silang access o paraan para makatanggap habang kulang pa rin ang suplay na natatanggap ng bansa

Sa datos na inilabas ni Dr Wong, ang Metro Manila ang nangunguna sa pagbabakuna kasunod ang Cordillera Administrative Region, Region 2 at Caraga

Sa hanay ng NCR Plus 8, sinabi ni Dr Wong na ang Region 4A at 7 ang mabagal rin sa pagbabakuna. JOcelyn Tabangcura-Domenden