Gobyerno seryoso sa laban kontra Climate Change

Gobyerno seryoso sa laban kontra Climate Change

July 17, 2018 @ 4:21 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Ilang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA), Environment ni President Rodrigo Duterte, nangako si DENR Secretary Roy Cimatu na mas seseryosohin niya ang laban ngayon sa banta ng climate change.

Ani Cimatu, hindi na pwedeng magpatumpik-tumpik pa dahil nahaharap ang publiko sa alaking panganib dala ng natural na kalamidad.

Ayon sa environment chief, inisyu na at ipinatutupad ngayon ang four-point agenda na nilikha ng Cabinet Cluster on Climate Change Adaptation, Mitigation, and Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) sa pamumuno ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kasama sa CCAM-DRR Cabinet Cluster ang Department of National Defense na magsasagawa ng pre-SONA presentation ngayong July 18, 2018, Miyerkules.

Ipapahayag ng DND ang mga accomplishments at mga planong gawin ng Cabinet cluster na naglalayong makaagapay ang bansa sa pagbabago ng klima at makatugon sa mga pangangailangan ng disaster risks.

Nakatuon ang presentation sa Cluster Performance Project Road Map for 2018-2022, na naglalayong ihanda ang mga komunidad na tumugon sa peligrong dala ng Climate Change; suportahan ang mga komunidad na makabangon sakaling tamaan ng trahedya; protektahan at pangalagaan ang mga natural na yaman upang makaagapay sa ecosystem; at pababain ang carbon sa hangin. (Nenet L. Villafania)