Gobyerno sinigurong ‘di masisira ang mga COVID vaccine kahit brownout

Gobyerno sinigurong ‘di masisira ang mga COVID vaccine kahit brownout

June 1, 2021 @ 6:28 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng gobyerno na walang masisirang bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) dahil sa nararanasang rotational blackouts sa Luzon.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon isa sa mga requirement ng isang lokal na pamahalaan na may cold storage facilities ang backup power system.

“Hindi po pwedeng mag-store ng bakuna kung walang generator at walang uninterrupted power supply,” ani Dizon sa isang media briefing.

Dahil dito, nakasisiguro na walang maapektuhang bakuna ng blackouts.

Sinabi rin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na patuloy ang pag-iinspeksyon ng mga suplay pati na backup measures para sa bakuna. RNT/ELM