Gobyernong Duterte, hindi bobo, hindi credit grabber- SAP Go

Gobyernong Duterte, hindi bobo, hindi credit grabber- SAP Go

July 15, 2018 @ 11:01 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Hindi “bobo” ang administrasyong Duterte para angkinin ang merito at ihalo ang mga donasyon sa bigay ng pribadong sector .

Ani Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, hindi sila credit grabber ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para lamang ipakita sa taumbayan na patuloy ang ginagawang pagtulong ng pamahalaan sa mga mahihirap at nangangailangan.

Sa bawat lugar na pinupuntahan niya o nila ng Pangulo ay palagi nilang binabanggit ang mga pribadong grupo at indibidwal na nakikiusap sa kanila na dalhin ang kanilang mga donasyon.

Ang mahalaga aniya sa kanila ay nakatulong sa mga nangangailangan at hindi niya hahayaang ipagkait ito sa publiko nang dahil lamang sa sasabihin ng mga kritiko.

Inihalimbawa ni Go ang pagdadala niy ng mga relief goods sa mga nasunugan sa Maynila kung saan nagkataon na nagsabay sila ng grupo ni DSWD Secretary Virginia Orogo.

Ayon kay Go, may dalang sariling relief goods ang DSWD mula sa gobyerno habang siya naman ay bitbit ang donasyon na pakiusap ng mga pribadong sektor na sumusuporta sa kanyang adbokasiya na nabigyan ng malisya ng iba na nagsabing inaangkin niya ang merito.

Pinalagan naman ni Go ang pagbibigay ng kulay ng mga kritiko sa bawat kilos ng administrasyon.

Aniya, wala nang ginawang maganda ang administrasyon dahil kahit nagtatrabaho sila nang maayos ay mayroon pa ring nasasabi ang mga ito. (Kris Jose)