Manila, Philippines – Magpapatayo ang pamahalaan ng Government Strategic Communications Learning Center para sa mga empleyado ng mga ahensiya ng gobyerno.
Ibinalita ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na mayroong isang bansa ang nangakong magbibigay ng P80-million para sa government media.
Nagkausap na aniya sila ni Bukidnon Gov. Joe Zubiri para sa nasabing proyekto.
Sinabi ni Sec. Andanar na walang ni isang ahensiya ng gobyerno na may hawak ng government strategic communications learning center kaya naisipan nila ang ganitong programa para sa mga empleyado ng pamahalaan.
Kasama sa mga itatayo sa naturang learning center ang community television, communnity radio, community auditorium, classroom at dormitory na gagamitin ng mga magtutungo para sa training. (Kris Jose)