Gold export ban sa Russia ipinataw ng G7

Gold export ban sa Russia ipinataw ng G7

June 27, 2022 @ 10:40 AM 2 months ago


GERMANY – Pinagkasunduan ng Group of Seven o G7 na mayayamang mga bansa na ipagbawal ang pag-export ng ginto mula sa Russia,

Ang bagong pinagsama-samang aksyon ay ikinasa upang putulin ang financial lifeline ng Moscow habang ang mga pinuno ng G7 ay nagpulong sa timog-Germany upang palakasin ang bagong suporta para sa Ukraine.

Ang Pangulo ng US na si Joe Biden at ang kanyang mga katapat mula sa pinaka-industriyalisadong mga bansa sa mundo ay nagtitipon sa Elmau Castle sa Bavarian Alps bago sila magpatuloy sa Madrid para sa pakikipag-usap sa mga kasosyo sa Nato.

Ang mga pinuno ay haharapin din ang nagbabadyang banta ng recession gayundin ang mga panggigipit sa climate change.

Para mas gipitin ang Moscow, inihayag ng G7 na ipagbawal nito ang pag-import ng Russian gold na sinabi ng US na pangalawang pinakamalaking pag-export para sa Russia at napakalaking kita para kay Vladimir Putin at sa kanyang mga kaalyado.

Ayon sa White House, ang Russia ay sumaklaw sa halos limang porsyento ng lahat ng mga pag-export ng ginto noong 2020 at 90 porsyento ng output ng Russia ay napunta sa mga bansang G7 – karamihan ay sa Britain. RNT