Gold nasungkit ni Carlo Paalam sa Asian Elite tournament

Gold nasungkit ni Carlo Paalam sa Asian Elite tournament

November 13, 2022 @ 11:48 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippiens – Naibulsa ni Filipino boxer Carlo Paalam ang gintong medalya para sa Pilipinas sa ASBC Asian Women’s and Men’s Elite Boxing Championships sa Amman, Jordan noong Sabado (Manila time).

Kumana ang Tokyo Olympic silver medalist ng split decision na panalo laban kay Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan sa men’s bantamweight finals.

Bago ang kanyang panalo sa gintong medalya, pinaluhod ni Paalam ang Sanzhai Seidakmatov ng Kyrgyzstan sa semis para umabante sa title clash.

Samantala, ang Olympic bronze medalist na si Nesthy Petecio ay nagkasya sa panibagong bronze sa parehong torneo.

Matapos talunin si Nilawan Techasuep ng Thailand sa quarterfinals, natalo siya kay Karina Ibragimova ng Kazakhstan sa women’s featherweight semis.

Nakakuha rin ng bronze si Hergie Bacyadan kasunod ng isang mahigpit na pagkatalo kay Sokhiba Ruzmetova ng Uzbekistan sa women’s middleweight semifinals.