Golden Age ng tren mangyayari sa termino ni PBBM – Rep Salceda

Golden Age ng tren mangyayari sa termino ni PBBM – Rep Salceda

August 26, 2022 @ 4:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Rail is back.

Ito ang tinuran ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep Joey Salceda matapos kumpirmahin na sa ilalim ng 2023 national budget ay malaking pondo ang inilalaan ng Malacanang para sa mga mahahalagang rail project.

“With the submission of the 2023 budget to the House of Representatives President Marcos is declaring that the era of big rail is back and that he has fired the opening shot to Build Better More,” pahayag ni Salceda.

Ayon kay Salceda naumpisahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga infrastructure projects sa mga lalawigan at ngayong termino ni Pangulong Bongbong Marcos ay pag-uugnay-ugnayin na ito upang mas magiging mabilis ang pag-unlad ng buong bansa.

“PRRD’s strategy was to bring the resources of the national government down to the countryside. PBBM is going to maximize the benefits of that strategy by bringing these thousands of smaller infrastructure projects together through big connecting projects. President Marcos is increasingly looking like the Big-Ticket Project President, especially Big Rail” ani Salceda.

Aniya, sa ilalim ng Marcos administration ang Railway Program project ay 5 beses na mas malaki kumpara noong 2022.

“From P23.12 billion to P113.99 billion. Rail got the biggest increment as a percent, among any major line item in the 2023 NEP,” ani Salceda.

Sinabi ni Salceda na ang Bicol Railway na target na umpisahan ni Pangulong Marcos ay maituturing na “largest ever” railway budget ng sinumang pangulo ng bansa kaya naman kung maisasakatuparan ito ay maaari nang matawag si PBBM bilang ‘Railways President.’”

“Railway is also necessarily of longer distance than road infrastructure. So, PBBM is clearly trying to build a national backbone through rail. Interregional trade is bound to expand dramatically once this program is completed,” dagdag pa nito.

Umaasa si Salceda na bibigyan na ng go signal ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang loan para sa Bicol Railway ay iba pang target na PNR South Long Haul Project upang masimulan na ito sa susunud na taon. Gail Mendoza