Goma at Lucy, tanggap ang non-showbiz boyfriend ni Juliana!

Goma at Lucy, tanggap ang non-showbiz boyfriend ni Juliana!

July 1, 2022 @ 8:00 PM 2 months ago


Ormoc City, Philippines – One thing in common meron ang anak nina Cong. Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres, pareho silang sports-minded.

Boyfriend ng only child ng celebrity couple na si Juliana si Miggy Bautista.

Miggy is taking up legal management at the Ateneo de Manila University.

He happens to be the nephew of Dina Bonnevie.

Ikinuwento ni Miggy kung gaano ka-welcoming sa kanya ang mga magulang ni Juliana.

Para kay Lucy, ayaw niyang hadlangan ang personal na buhay ng anak.

Bahagi raw ‘yon ng growing up.

Huwag na raw gawing kumplikado ang mga bagay na normal.

Ibinahagi ni Miggy how he and Juliana met.

Sa Ormoc daw ‘yon kung saan nagte-train siya sa fencing.

Since Juliana hails from Ormoc ay ito ang nag- asikaso sa grupo ni Miggy.

Inalok niya ng tubig ang grupo at bukod tanging si Miggy lang ang tumangging uminom.

Ani Miggy, sinadya raw niya ‘yon para maiba.

At the same time, nagpapapansin na raw siya.

In no time did they become close at nauwi sa relasyon.

Miggy is all praises sa mga magulang ng nobya.

Hindi raw kasi ipinadama ng mga ito na mga sikat silang celebrities. Ronnie Carrasco III