Goma, in-unfollow ng netizens!

Goma, in-unfollow ng netizens!

June 23, 2022 @ 9:00 AM 7 days ago


Ormoc City, Philippines – Talagang you cannot please everybody lalo na sa pulitika.

Kung may mga netizen na nag-unfollow kay Richard Gomez, may mga patuloy pa ring sumusubaybay sa kanya sa social media.

May kaugnayan kasi ang kanyang pro-Duterte stand sa mga hindi nagkagusto sa kanya.

Aniya, ang dati raw na drug capital sa Eastern Visayas na Ormoc City ay isa na ngayong ligtas na lugar.

Thanks to PRRD na naging matagumpay ang inilunsad na war on drugs.

Nalulungkot nga si Goma dahil ilang araw na lang mananatili sa puwesto ang aniya’y one of the best presidents our country has ever had.

Dahil du’n, may mga nag-unfollow sa kanya kung paano rin namang marami rin ang natuwa.

Samantala, bababa na rin si Goma bilang Ormoc City mayor to give way to his Congressional work sa District 4 ng Leyte.

Ang kanyang kabiyak na si Lucy Torres ang papalit sa kanya. Ronnie Carrasco III