Gomez sa PSC: Training activities sa sporting venues, payagan na

Gomez sa PSC: Training activities sa sporting venues, payagan na

August 19, 2022 @ 1:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umapela si Leyte Rep. Richard Gomez sa Philippine Sports Commission (PSC)n ibalik nang muli ang training activities sa Rizal Memorial Stadium at  Philippine Sports Complex para sa mga atleta ng national team na magpapartisipa sa  32nd SEA Games sa 2023.

Ayon kay Gomezm, mahalaganmahalaga magkaroon ng sapat na training ang mga atleta na sasabak sa malaking kompetisyon kaya malaking tulong kung bubuksan muli ang complex, subalit aniya, sa oras na buksan muli ang complex ay tiyakin lamang na nasusunod ang health protocols para na rin sa kaligtasan ng mga atleta na mag-eensayo dito.

“Rigorous training under the most optimal conditions must be undertaken for athletes who will be representing the country in the upcoming 32nd SEA Games in 2023 for them to realize their full potential and best performance,” ani Gomez.

Aniya, maari naman na magsagawa ng training kahit may banta ng COVID-19 kung ioobserba lamang ang health protocols kung saan inihalimbawa nito ang ginawang paghost ng Ormoc City sa national fencing team at national modern pentathlon team sa loob ng dalawang taon sa kasagsagan pa noon ng pandemic na tuloy tuloy lamang ang ginawang training subalit walang nagkasakit.

Ang 32nd SEA Games na pinagpapartisipahan ng 11 bansa sa Southeast Asia ay gagawin sa Mayo 5 hanggang 17, 2023 sa  Phnom Penh, Cambodia.

Sa kasagsagan ng COVID cases noong Marso 2021 kung saan naka-lockdown ang National Capital Region ay ipinagbawal ang lahat ng sports training activities at ang Rizal Memorial Stadium sa Manila at Ultra Sports Complex sa Pasig City ay pansamantalang ginawang quarantine facilities. Gail Mendoza