Good health, tagumpay bilang VP birthday wish ni PRRD kay Sara

Good health, tagumpay bilang VP birthday wish ni PRRD kay Sara

May 31, 2022 @ 3:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte Carpio na nagdiriwang ngayong araw ng kanyang ika-44 na kaarawan.

Magandang kalusugan at tagumpay bilang bise president ang birthday wish ng pangulo kay Duterte-Carpio.

“The President’s wishes for our Vice President-elect are good health and success in her role as the second highest official of the land,” saad ni acting presidential spokesman Martin Andanar.

samantala, hindi pa malinaw sa ngayon kung dadalo si Pangulong Duterte sa inagurasyon ng kanyang anak na planong isagawa sa Davao City.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng incoming vice president na wala pa silang napadadalhan ng imbitasyon.

 earlier in the day said it was unclear yet whether the President would attend his daughter’s inauguration.

“Wala pa, wala pang napag-uusapan na ganon,” Cabinet Secretary Melvin Matibag.

Nabatid na hindi pa ulit nagkakausap ang mag-ama simula pa noong Agosto ng nakaraang taon.

Samantala, isa-isa ring nagpaabot ng kani-kanilang mga birthday greetings ang mga kaibigan at kaalyado ni Sara Duterte kabilang na ang kanyang running mate na si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. JCM/ Kris Jose