Goodbye na sa mga pagkaing may mataas na trans-fatty acid sa 2023 – DOH

Goodbye na sa mga pagkaing may mataas na trans-fatty acid sa 2023 – DOH

July 8, 2021 @ 7:45 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Health (DOH) ng kautusang mag-aalis ng mga industrially-produced trans-fatty acids (TFA) sa suplay ng pagkain sa bansa sa 2023.

Sa ilalim ng Administrative Order (AO) 2021-0039, ipagbabawal ang pagpo-produce, pag-iimport, pamamahagi at pagbebenta ng mga industrially-produced TFA at processed food products na nagtataglay ng trans fatty acids.

“Specifically, it aims to provide guidance to reduce TFA intake among Filipinos to less than 1% of the recommended total energy intake,” nakasaad sa AO.

Samantala, nakasaad din sa AO na ang Food and Drug Administration (FDA) ay dapat na magtakda ng transitory period na hindi lalampas ng dalawang taon.

Ito ay upang makapaghanda ang mga food manufacturer sa pagpapalit o pagre-reformulate ng kanilang pagkain.

Inatasan din ang FDA na mag-isyu at magpatupad ng mga regulasyon para maalis ang industrially-produced TFA sa food production.

Ayon sa DOH, nasa 540,000 ang namamatay sa buong mundo kada taon dahil sa mataas na TFA intake.

At dito sa Pilipinas, nasa 3,000 katao kada taon ang dunaranas ng prenature mortality dahil sa mataas na pagkonsumo ng TFA.

“Studies have consistently suggested that there is no safe level of trans fatty acid consumption and that it has no known health benefit. In fact, it has been coined as the tobacco of food,” ani Dr. Rodley Carza, head ng Policy and Technology Division ng DOH Health Promotion Bureau.

Ayon kay Carza, mayroong hindi bababa sa pitong panukalang batas sa Kongreso ang naglalayong ma-regulate ang mga produktong may mataas na TFA content. RNT