Google+, ipasasara na!

Google+, ipasasara na!

October 9, 2018 @ 2:17 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nagbabadyang magsara ang Google+ matapos ma-expose ang users data nito dahil sa bug sa kanilang software na naglalaman ng pribadong impormasyon ng mahigit 500,000 users.

Ayon sa ulat ng Wall Street Journal alam na ng kompanya ang tungkol sa isyu ngunit hindi ito ibinunyag sa publiko. Base sa inilabas na memo ng google sinabi nito na hindi seryoso ang isyu kaya’t hindi ipinagbigay alam sa publiko.

“Our Privacy and Data Protection Office reviewed this issue, looking at the type of data involved, whether we could accurately identify the users to inform, whether there was any evidence of misuse, and whether there were any actions a developer or user could take in response,”  ayon sa Google.

Kasunod ng nangyaring insidente, bumaba ng 90% sa loob ng limang segundo ang gumagamit at paggamit ng consumer version ng Google+.

Bumaba din umano ng 1.23% ang shares sa parent company ng Google na Alphabet./Remate News Team/Intern, Gwyneth Dennisse Cura