Google, YouTube pinagbawalan ng EU na maglabas ng mensahe ng Russia

Google, YouTube pinagbawalan ng EU na maglabas ng mensahe ng Russia

March 1, 2022 @ 9:10 AM 4 months ago


EUROPEAN UNION – Pinagbawalan ng European Union ang mga higanteng internet provider na Google at YouTube na maglabas ng anomang mensahe ng Russia bilang mga propaganda,

Kinausap mismo ni Thierry Breton, EU internal market commissioner sina Sundar Pichai ng Google at Susan Wojcicki ng YouTube at pumayag naman umano ang mga ito sa kautusan ng EU.

Sinabi pa nina Pichai at Wojcicki na gumagawa na sila ng aksyon gaya ng hindi pagpapalabas ng google maps sa Ukraine at sa kilog ng mga komunidad sa lugar upang maiwasan ang kapahamakan sa mga ito.

Iginiit ng dalawa na aktibo nilang binabantayan pati ang mga maling impormasyon o sadyang maling impormasyon na lumilitaw sa kanilang kompanya.

Pag-aari ng Google ang YouTube at kumikilos ang mga ito ayon sa komon nilang interes. RNT