Gordon kinondena ang PRA sa pagpayag magretiro ang Chinese national sa Pinas

Gordon kinondena ang PRA sa pagpayag magretiro ang Chinese national sa Pinas

October 20, 2020 @ 10:23 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kinondena ni Senator Richard Gordon ang Philippine Retirement Authority (PRA) sa pagpaparetiro ng isang Chinese national sa bansa sa edad na 35 taong gulang.

“That to me is dangerous. I didn’t know that. I’m disturbed by it… It upsets me na kung sino lang dumating dito, even 35 years old papayagan niyo nang mag-retire dito,” giit nito sa gitna ng pagdinig sa Senado.

“Thirty-five years old is [a] soldier’s age… Thirty-five is too young. Not to cast aspersions upon our neighbor, would they allow us to retire at 35 there? don’t think they are gonna let us retire there in China,” aniya.

Nabulatlat ito matapos mapansin ni Senator Nancy Binay na karamihan sa mga banyagang nagreretiro sa bansa ay mga Tsino.

“We start from 35 up,” sagot ni PRA general manager at CEO Bienvenido Chy nang tanungin ni Binay ang age bracket ng mga ito.

“The reason for the 35 years of age was that in Korea, the military would retire at the age of 35 and these are the retirees who would come to avail of this program,” paliwanag nito.

“This has been the practice when I came in,” dagdag ni Chy.

Sa tala ng PRA, mayroong 27,678 retiradong Tsino sa bansa na may pinakamataas na bilang sa higit 100 mga bansa.

“Kung ang demographics nila ay 35 years old, the probability of them working eh napakataas,” ani Binay.

Lahad naman ni Chy na ang mga Chinese national sa POGO ay may edad na 20 taong gulang na karamihang nagpupunta sa Pilipinas upang dito magretiro.

“Kahit na dinatnan mo ‘yan, you should be savvy enough to know and check kung anong ginagawa nitong mga 35-year-old na ito,” giit ni Gordon.

Aniya, banta ito sa seguridad ng bansa.

Nagbanta rin ang senador na ipagpaliban ang badyet para sa DOT at mga ahensya nito dahil dito.

“After this meeting we will study this and then change the policy if it’s possible,” ani Gordon.

Pinagsusumite rin ng Senado ang PRA ng listahan ng mga retiradong banyaga sa bansa.

Nangako naman ang Tourism Promotions Board na makikipagtulungan sa PRA. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...