Gordon: P822M utang ng PhilHealth sa Red Cross sa COVID testing



Gordon: P822M utang ng PhilHealth sa Red Cross sa COVID testing

March 28, 2021 @ 4:45 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Lumobo na sa P822 milyon ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross sa usapin ng COVID-19 tests, batay kay PRC chairman Senator Richard Gordon.

“Ang utang ng PhilHealth ay umaabot sa P822 million,” saad ni Gordon sa panayam.

“Binabayaran nila paunti-unti. Inaabot na nung hindi nababayaran araw-araw.”

Nangako aniya ang PhilHealth na magbabayad ng P200 milyon kada linggo ngunit hindi natupad.

Punto pa ni Gordon, kailangan ng PRC ng pera upang mabigyan ng kompensasyon ang kanilang medical technologists, procure supplies, at build facilities.

“Kung minsan nagsususpetsa ako, meron silang alaga siguro, na kapag nagsara kami kikita yang mga yan.”

“Wala naman tayong pinag-uusapang tumigil. Pero kapag biglang tumigil yan, alam niyo na kung bakit,” dagdag pa ni Gordon.

“Hindi naman ako naniningil basta-basta, kailangan lang talaga makapagpatuloy at ma-keep up natin ang ginagastos ng Red Cross sa mga Medtechs at sa lahat. Yung gobyerno, kusang-loob nilang tulungan kami.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •