Gordon sa DOH: Saliva tests vs COVID gamitin sa virus detection

Gordon sa DOH: Saliva tests vs COVID gamitin sa virus detection

January 24, 2022 @ 7:45 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senator Richard Gordon ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, na gamitin na ang saliva tests para mapalakas ang kapasidad ng bansa sa pag-detect ng COVID-19 infections.

Habang kinikilala niya naman ang kasalukuyang isinasagawang pagsusuri ng DOH sa homemade antigen test kits, sinabi ng senador na mas mura ang saliva tests.

“Ang advice ko sa Department of Health, mas maigi gamitin ang saliva test kaysa maglalagay ng sariling administered (antigen), puwede rin ‘yon pero ang kailangan doon kapag nagadminister ka ng antigen test irereport mo,” ani Gordon, na siya ring chairman ng Philippine Red Cross (PRC).

“Kapag negative ka, wala kang problema. Kapag nagpositive ka mayroong mga false positive, kung minsan false positive. Mabuti rin ang RT-PCR pero mas mura na di hamak ang saliva test. Kaya ayan ang tinutulak sa probinsya,” dagdag pa ng senador.

Nauna nang nagsasagawa ang PRC ng saliva tests kung saan iginiit ni Gordon na kasing ‘accurate’ nito ang reverse RT-PCR swab tests. RNT