Gordon sa gobyerno: Grand plan, ihanda vs PH COVID cases

Gordon sa gobyerno: Grand plan, ihanda vs PH COVID cases

July 12, 2020 @ 3:50 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hinikayat ni Sen. Richard Gordon ang gobyerno na bumuo ng comprehensive plan sa kung paano malalabanan ang coronavirus disease o COVID-19 pandemic.

“Unang-una, kailangan meron tayong grand plan on how we are going to quell COVID. And that’s going to be here, anywhere from this year to another four years. Maaari, kasi hindi aalis ‘yan,” ani Gordon.

“Kahit na may vaccine na ‘yan, parang flu ‘yan, parang pneumonia, kahit meron kang vaccine, meron pa rin,” dagdag pa nito.

“Pero kahit umabot ng four years, two years o three years, dapat my policy tayo diyan, ano ang gagawin natin para ma-combat ‘yan.”

Dapat aniya maging handa ang gobyerno sa kabila ng inaasahang pagdami ng bilang ng testing capability ng bansa.

“Pag nagpa-test ang tao, magugulat tayo maaring umabot ng 100,000 ‘yan in three days kung saka-sakali or four days kung sabay-sabay magpa-test ‘yan at maaring tumaas ng tumaas katulad ng ibang bayan.”

Tiwala naman si Gordon na ang testing ang susi para muling makuha ang daloy ng ekonomiya.

“Hence, the need to undertake measures that would allow industries and business establishments to reopen but would also minimize health risks to the people, such as the employees.”

“Testing is the key to reviving our economy,” lahad pa nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...