Gov. Degamo nailibing na

Gov. Degamo nailibing na

March 16, 2023 @ 6:04 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naihatid na sa huling hantungan ang napaslang na gobernador ng Negros Oriental na si Governor Roel Degamo sa Siaton, ng kaparehong probinsya nitong Huwebes ng hapon, Marso 16.

Itinabi ang labi ni Degamo sa puntod ng yumao nitong magulang sa compound ng pamilya sa nasabing bayan.

Matatandaan na noong Marso 4 ay pinagbabaril-patay ng mga armadong kalalakihan si Degamo habang nakikipag-usap sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa harap ng kanyang bahay sa Pamplona, Negros Oriental.

Nauna nang inanunsyo ng Malakanyang ang Marso 16 bilang special non-working day sa Negros Oriental bilang pagkilala kay Degamo. RNT/JGC