Gov Remulla, itinangging nakasama sa Taylor Swift

Gov Remulla, itinangging nakasama sa Taylor Swift

December 20, 2022 @ 8:46 AM 1 month ago


CAVITE- TINAWAG ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na ‘fake news’ ang kumakalat na balitang naka-hang out nito o nakasama ang sikat na foreign singer na si Taylor Swift, dahilan para batikusin ito ng mga netizens.

Sa isang tweet noong Disyembre 15, nag-upload si Remulla ng larawan ng isang nakamaskara na Taylor Swift.

“Fake news po na ako ang kasama ni @taylorswift13 sa photo na yan. Busy tayo at maraming namamasko,” ani Remulla.

Sinabi pa nito na makikita ang malaking pagkakaiba na nasa larawan lalo na sa pangangatawan at walang kulay puti o ‘uba’ ang buhok ng lalaki at mukhang mas bata.

Ayon naman sa mga netizens, na wala naman gumawa ng tsismis tungkol kay Remulla na nasa presensya ni Swift kundi ginawa lamang ito ng gobernador para maging viral ang sarili na ikinagalit naman ng huli.

Aniya, naging target siya sa social media matapos i-endorso ang UniTeam noong panahon ng eleksyon.

Sinabi ni Remulla, nang magsimula ang kampanya ay ginugol niya ang buong oras sa pangangampanya kasama si Pangulong Ferdinand Marcos mula Tanza, General Trias City, hanggang Imus, habang nakasuot ng pula, ang tradisyonal na kulay ng kampanyang pampulitika ng presidente.

Ang Cavite, ang pangalawa sa mga lalawigan na may pinakamaraming botante na aabot sa 2.15 milyon.

Ipinagmayabang rin ng gobernador na ang kanyang yumaong ama na naging gobernador ng Cavite, ay malapit na kaalyado ng diktador na si Ferdinand Marcos at noon pa man ay sinusuportahan na nila ang mga Marcos sa kanilang mga laban sa nasyunal./Mary Anne Sapico