GOV. SUAREZ, ANAK NA ABOGADA DAWIT SA RAPE AT KIDNAPPING CASE

GOV. SUAREZ, ANAK NA ABOGADA DAWIT SA RAPE AT KIDNAPPING CASE

October 13, 2021 @ 5:59 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

INIHAYAG kamakailan ng grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. sa pamumuno ni Prop. Salvador S. de Guzman na sinampahan ng mga kasong accessory to the crime of kidnapping and serious illegal detention with rape, obstruction of justice, accessory to the crime of child abuse at paglabag sa paragraph (e) sa Section 3 ng Republic Act 3019 o anti-graft and corrupt practices act si Quezon Governor Danilo Suarez at anak niyang abogado sa opisina ng Ombudsman.

Ayon kay Prop. De Guzman bukod sa mga kasong kriminal sinampahan din si Gov. Suarez at anak niyang si Atty. Joana Suarez ng mga administratibo na kinabibilangan ng Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, Dishonesty, Oppression, and Violation of Paragraph (a, b and c) under Section 4 of RA6713.

Ang kaso nitong mag-ama ay isinampa sa Ombudsman noong Oktobre 7,ni Rose Rosario Tapiador, nanay ng biktimang si Jennyrose na kinidnap, ikinulong at paulit-ulit na ginahasa sa isang hotel ni Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde ng Lopez, Quezon.

Sa affidavit-complaint, sinabi ni Rosario na pilit umanong inaareglo ni Gov. Suarez sa pamamagitan ng kanyang anak na si Joana ang kasong kidnapping and serious illegal detention with rape at child abuse na isinampa ni Jennyrose laban kay Yulde.

Sinabi ni Joana sa mag-ina na magbibigay si Governor Suarez ng P3-milyong na cash bilang kabayaran sa kaso ni Yulde subalit hindi sila nagtagumpay dahil tumanggi si Jennyrose at nanindigan siyang “hustisya ang kailangan niya, hindi pera’.

Nangyari umano ang tangkang pag-areglo sa kaso ng dalaga noong Septyembre 25 na kung saan pinuntahan ni Joana ang mag-ina sa kanilang nirerentahang bahay sa Pasig City sa tulong ni Anamarie Santiago na pinsan ni Rosario.

Sa sinumpaang salaysay ni Anamarie, bago niya sinamahan si Atty. Suarez sa bahay ng mag-ina ay ipinadukot muna siya ni Governor Suarez sa tatlong bodyguard niya noong madaling araw ng Septyembre 22.

Ere pa ang kuwento ni Anamarie, dakong alas 2 ng madaling araw ng Septyembre 22, habang natutulog siya sa loob ng kanilang nirerentahang bahay sa Malabon City kasama ang kinakasama niyang si Rodel nang may biglang kumatok sa pintuan ng bahay at pagbukas nila ng pintuan kaagad tumambad ang tatlong armadong lalaki na nakasuot ng bonite.

Kaagad na hinawakan ng isang armado ang mga kamay ni Anamarie at sinabihan siyang sumama nang maayos dahil ipinasusundo siya ni Governor Suarez.

Manlalaban sana si Rodel para isalba si Anamarie subalit hindi siya nakaporma dahil sinuntok at sinipa siya ng isa sa mga armado sabay sinabihan siya na si Anamarie lang ang kailangan ni Gob pero ganon pa man bago umalis ang grupo nagbanta ito na huwag magsusumbong sa pulis at kaninoman dahil papatayin nila si Anamarie kapag ginawa nila.

Pagdating at pagpasok ng tatlong armado kasama si Anamarie sa Kapitolyo ay wala pa si Gob kaya naghintay sila subalit maghapon hindi dumating si Gob.

Pinakain at pinatulog si Anamarie sa isang room sa Kapitolyo ng isang babae.

Dumating si Gov.Suarez  sa Kapitolyo noong  Setyembre 24, kaya nagkausap na silang dalawa ni Anamarie at pinakiusapan ng Gob si Anamarie na tulungan niyang makalabas ng kulungan si Yulde.

Tulungan ko raw si Councilor Yulde na makalabas ng kulungan dahil kailangan siya ni Governor at siya raw ang ginamit ni gob sa pagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban kay Engr.Tan ng DPWH sa Region 1,” ayon kay Anamarie.

Ayon kay Anamarie, “nakaharap siya at narinig niya ang mga sinabi ni Atty. Suarez sa mag-ina na magbibigay si Gob ng P3M cash pero magbibigay muna siya ng P2-milyong cash at ang balanse na P1-milyong piso ay ibibigay niya kapag pumirma na si Jennyrose sa Affidavit of Desistance.

Si Jennyrose ay dinukot, ikinulong at paulit-ulit siyang ginahasa ni Yulde sa loob ng isang hotel sa Rosales, Pangasinan mula Abril 17 hanggang Abril 22 at isinampa niya ang mga kasong kidnapping and serious illegal detention with rape at child abuse sa Provincial Prosecutors Office ng Rosales, Pangasinan sa tulong ng grupo ni Prop. De Guzman noong Mayo 14.

Councilor Yulde ng Quezon, patay kang bata ka, sokpa ka sa oblo..he..he..he..

Anomang puna o reklamo i-text sa 0918274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com


  •  
  •  
  •