‘Government-to-government’ deals sa pagbili ng fertilizer target ni PBBM

‘Government-to-government’ deals sa pagbili ng fertilizer target ni PBBM

July 19, 2022 @ 2:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang government-to-government talks para tugunan ang tumataas na presyo ng fertilizers.

Naniniwala kasi si Pangulong Marcos na maaaring makabili ang pamahalaan ng mas murang fertilizers sa pamamagitan ng government-to-government deals.

Kinokonsidera ng Chief Executive ang makipag-usap sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia at Russia para sa pagbili ng fertilizers.

“Gusto tayong tulungan, gusto tayong lapitan, eh ‘di take advantage naman tayo, ‘di ba? Sige bigyan ninyo kami ng fertilizer na medyo maganda-ganda ang presyo. That’s the whole point of G2G,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang meeting kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture.

“I’m thinking would it be useful for us if sulatan ko silang lahat… and I’ll say that we are in the market to buy this volume of fertilizer,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, inatasan naman ng Punong Ehekutibo ang mga opisyal ng DA na mag-provide ng data hinggil sa “source and price” ng fertilizers” at ang distribution plan ng departamento sa planting season.

Itinutulak din ng Pangulo ang farm-to-market road masterplan na ayon sa kanya ay makatutulong na tiyakin ang food security sa bansa.

Ang FMR masterplan ayon kay Pangulong Marcos ay magsisilbing gabay ng gobyerno sa pagpo-promote ng food security at naglalayong palakasin ang rural communities. Kris Jose