Gov’t agencies, MPD nakiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Gov’t agencies, MPD nakiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

March 9, 2023 @ 4:06 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Muling nagsagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa bansa ngayong Huwebes ng hapon bilang paghahanda sa posibleng malakas na pagyanig o lindol.

Nakilahok ang mga tauhan ng Manila Police District sa loob ng MPD Headquarters sa isinagawang Simultaneous Earthquake Drill, kung saan pinaghahandaan ang The Big One, ang pinakamalakas na Lindol na maaring
tumama sa bansa sa anumang oras.

Karamihan sa nakiisa sa earthquake drills ang iba’t ibang ahensya sa Manila kasama na ang Manila Police District (MPD) na layong mabawasan ang casualties dahil walang mga pamamaraan upang malaman kung kailan magaganap ang paglindol.

Isa-isang naglabasan sa gusali ang mga empleyado at personnel na naka-duck, cover at hold.

Una nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang ehersisyo ay naglalayong subukan ang mga kakayahan ng mga miyembro ng ahensya sa pagtugon sa mga epekto ng isang mapaminsalang lindol tulad ng nangyari sa Türkiye at ang umiiral na harmonized contingency plan para sa magnitude 7.2 na lindol sa Greater Metro Manila.

Nilalayon din ng ehersisyo na tukuyin ang mga posibleng pagkukulang at magrekomenda ng mga kinakailangang pagpapahusay sa kasalukuyang mga plano, patakaran, at pamamaraan para sa pagtugon sa lindol. Jocelyn Tabangcura-Domenden