Gov’t agencies na walang ginagawa vs insurgency, kinastigo ni Bato

Gov’t agencies na walang ginagawa vs insurgency, kinastigo ni Bato

September 21, 2022 @ 7:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinita ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang ilang ahensiya ng pamahalaan na walang ginagawa o nagiging kampante laban sa insurhensiya habang nakikipagpatayan ang government troops sa bandidong New Peoples’ Army (NPA).

Bagama’t hindi binanggit ni Dela Rosa sa unang bahagi ng pagdinig ng Senate committee on national defense and security sa pamumuno ni Senador Jinggoy Estrada hinggil sa pagsasabatas ng panukalang magkaroon ng pambansang estratehiya upang makamit ang ingklusibo at pangmatagalang kapayapaan.

Aniya maraming ahensiya ng pamahalaan ang dapat tumulong sa tropa ng pamahalaan na ibinubuwis ang buhay upang mapigilan ang paghahasik ng karahasan ng bandidong BPA.

Ipinanukala ni Dela Rosa ang paglikha ng National Council to End Local Communist Armed Conflict.

“Kami gusto lang naming talaga na tulungan kayo. I have been there, I have foudght these communist for a long time. I have lost a lot of my men in may war and my battles against the NPA kaya alam ko kung gaano kahirap ang problemang ito,” aniya.

Giit pa niya na nagkaroon ng banaag ng pag-asa nang likhain ni dating Pangulong Duterte ang National Task Force to End local Communist Armed Conflict sa pamamagitan ng executive order No. 70 noong 2018.

“Nakita ko napakaganda pala nito, ito na hinihintay naman noon pa ,” ayon kay Dela Rosa.

Dahil dito, ibinahagi ni Dela Rosa ang kanyang sentimiyento habang nakikipaggiyera sa mga rebelled.

“What kind of war is this. Tayo lang pinabayaan ng gobyerno na makipaggiyera, makipagpatayan sa NPS samantalang itong DSWD na ito, itong DOH, itong DPWH even the national security establishment walang pakialam because they are sitting inside their chair, inside their office, nagpapalamig lang sa opisina,” ayon kay Dela Rosa.

“Kapag andun sa field nakipagpatayan, kami ang nasasaktan, kami ang nahihirapan,” aniya.

Sinabi pa ni Dela Rosa na bilang mambabatas, gusto niyang parangalan ang mga sundalo at pulis na nagsakripisyo sa kanilang buhay sa pakikipaglaban insurhensiya ng komunista.

“E kung ayaw ninyo sa executive yung aming proposal thn what can we do aniya saka nagsabing walang kuwenta ang pagkilos ng Senado kung hindi ito suportado ng executive.

“Sa akin lang naman, we’re here to help you solve the insurgency problem. Yun lang po, “ giit niya. Ernie Reyes