Gov’t assets, gustong i-maximize ni PBBM para sa relief ops sa quake-hit areas

Gov’t assets, gustong i-maximize ni PBBM para sa relief ops sa quake-hit areas

July 28, 2022 @ 4:14 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-maximize ang government assets  para sa search and rescue at relief operations sa mga lugar na apektado ng  magnitude 7 earthquake na tumama sa Northern Luzon, araw ng Miyerkules.

Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos matapos pangunahan  ang  isang  briefing sa Abra kasama ang ilang  Cabinet members  gaya nina Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo Jr., Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., Department of National Defense (DND) Secretary Jose Faustino and Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo at mga opisyal ng lokal na pamahalaan hinggil sa kasalukuyang situwasyon sa lalawigan at maging sa  ibang lugar na apektado ng malakas na paglindol.

“Mga national government agencies, please coordinate closely with the local government para mamaximize ang mga assets, hindi kayo naguulit, hindi kayo nagkukulang. You plan everything together,” ayon kay Pangulong Marcos.

“You listen to the local governments because they are the ones who have the fundamental responsibility to bring the aid to the people,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tiyakin na sapat ang suplay ng tubig at financial assistance mula sa pamahalaan para sa mga residenteng inilikas dahil sa nasira nilang bahay dulot ng malakas na paglindol.

“Number one is the water supply and whatever financial support that the DSWD (Department of Social Welfare and Development) is intending to provide … those who have been rendered homeless or at least they have been evacuated eh may support naman silang kaunti ,” aniya pa rin.

Idagdag pa, nais ni Pangulong Marcos na tiyakin ng mga ahensiya na ang ospital ay ligtas para mag- operate.

“Again, the coordination between the civil engineers, first the public buildings… Even before the government buildings, ‘yung mga offices… unahin natin ‘yung hospitals,” ayon kay Pangulong Marcos.

“After which, puntahan natin ‘yung mga bahay ng mga tao para makita kung safe na talaga sila,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, sinabi pa ng Punong Ehekutibo na titiyakin naman ng  Department of National Defense (DND) na available ang kanilang  resources para mag-deliver ng mga  “goods and services” sa mga isolated areas na tinamaan ng malakas na paglindol.

“‘Yung sa air assets ng DND, we will arrange na nga para hindi tayo masyadong nahihirapan at maiabot na natin ‘yung isolated areas,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sabay sabing “The DND has agreed to put another helicopter at the disposal of the distribution of the food and at some point, water distribution.” Kris Jose