Gov’t complaints tutugunan sa loob ng 72 hours

Gov’t complaints tutugunan sa loob ng 72 hours

February 24, 2023 @ 9:43 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakahanap na ng paraan ang administrasyong Marcos para alisin ang red tape sa burukrasya matapos na kapwa lagdaan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at 8888 Citizens Complaint Center (CCC) ang isang kasunduan na naglalayong sanib-puwersa na tugunan ang mga reklamo at public feedback mechanism para matiyak ang tamang aksyon at resolusyon.

Sa isang kalatas, sinabi ng ARTA na lumagda ito sa MOA matapos na humingi na ng saklolo ang 8888 CCC para sa pagpapatupad ng mandatory compliance sa 72-hour prescribed turnaround time ng ahensiya, isang window na ibinigay para sa complained government agencies, local government units, at mga empleyado para sagutin o magbigay ng paliwanag.

ā€œWith the signing of the MOA, the 8888 CCC is now empowered to serve as a formal complainant to ARTA against unresponsive government institutions,ā€ ayon sa ARTA.

Ang pagkabigo na maibigay ang government services sa loob ng prescribed processing time o 72 oras ay malinaw na paglabag sa Ease of Doing Business Act, kung saan mahaharap at maparurusahan ng anim na buwan na suspensyon para sa first offense at dismissal at perpetual disqualification naman sa public service para sa second offense.

Ito naman ang magiging “go signal” sa ARTA na magpalabas ng warning notice sa mga pasaway na ahensiya, kagyat na sisimulan ang imbetsigasyon o maghahain ng kinauukulang kaso sa Civil Service Commission (CSC), Office of the Ombudsman, at iba pang angkop na korte.

Pinangunahan naman ni Executive Secretary (ES) Lucas Bersamin ang paglagda sa MOA kasama sina Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra, ARTA Secretary Ernesto Perez, Strategic Action and Response Office, Undersecretary Rogelio Peig II, ARTA Undersecretary for Legal Geneses Abot, at 8888 CCC Director IV Bernadette Casinabe.

Sa kanyang naging talumpati, pinasalamatan ni Bersamin ang ARTA at ang joint effort nito sa 8888 CCC upang patuloy na alisin ang bureaucratic red tape sa bansa.

Tiniyak naman ni Perez ang pakikipagtulungan sa 8888 CCC at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan sa pagpapatupad sa Ease of Doing Business Law. Kris Jose