Gov’t construction workers pinatataasan ng sahod ni Cayetano

Gov’t construction workers pinatataasan ng sahod ni Cayetano

October 14, 2022 @ 12:37 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala si Senator Alan Peter Cayetano sa Department of Public Works and Highways na taasan na ang sweldo ng mga manggagawang nagtatrabaho sa mga proyekto ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Cayetano kasabay ng pagdinig ng Senado sa proposed budget ng DPWH.

“May I request that you look into it, if DPWH can have a monitoring system or mag-submit under oath yung mga contractor nae to yung ginamit naming tao sa project na ito o may checklist na bayad ang kanilang SSS, Philhealth etc,” anang Senador.

Nais din ni Cayetano na makipagkasundo ang DPWH sa Philippine Constructors Association (PCA) at TESDA na magkaron ng pagsasanay upang mapabuti pa ang trabaho ng mga trabahador.

Ikinumpara niya ang suhestyon na ito sa hakbang ni US President Joe Biden na pagpapahusay ng federal construction project kung saan binibigyan prayoridad ang mga construction workers. RNT/JGC