Gov’t-led job fair, tutulong sa pagtugon sa tourism labor shortage – DOT

Gov’t-led job fair, tutulong sa pagtugon sa tourism labor shortage – DOT

August 31, 2022 @ 11:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa pagpasok ng buwan ng Setyembre ay magsisimula na ang  government-led tourism job fairs  para tugunan ang tourism labor shortages sa Pilipinas.

Pormal na tinintahan ng  Department of Tourism (DOT) at  Department of Labor and Employment (DOLE),   memorandum of understanding (MOU) noong Agosto 30 para sa paglulunsad  “Trabaho, Turismo, Asenso! National Tourism Jobs Fair”.

“Displaced workers are definitely a priority of the Department of Tourism in partnership with the Department of Labor and Employment. So what we intend to do is to give tourism job opportunities both to displaced workers, fresh graduates, and those wanting to shift into a career in the tourism industry,” ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco.

Base sa pinakabagong data ng DOLE, mahigit sa  12,000 tourism workers ang na-displaced sa mahigit na 700 establisimyento dahil sa pandemiya sa first half  ng taong kasalukuyan.

Habang bumabawi ang sektor, ilang negosyante ang nagmamadali na punan ang puwang sa  usapin ng job vacancies sinabi ni Frasco “matter of linking the demand with the supply.”

“This Trabaho, Turismo, Asenso is specifically designed to link the demand with the supply and so we anticipate that a number of employers would join this and a lot of applicants would participate,”  aniya pa rin.

“As of August 27,” tinatayang 279 establisimyento ang sinurvey ng DOT, ang iniulat na  1,186 regular vacancies at 240 part-time jobs.

Ang  multi-month campaign  ay ilulunsad sa Hotels Supplier Show sa  SMX Convention Center sa  Mall of Asia Complex sa Pasay City mula September 22 hanggang 24.

“It will conclude in May 2023, with the two other venues to be held in SM City Cebu and SM Lanang in Davao City,” ayon sa ulat.

Ang MOU  ay  nilagdaan nina  Frasco at Labor Secretary Bienvenido Laguesma, at sinaksihan ni  Tourism Undersecretary Ferdinand Jumapao at Labor Undersecretary Paul Vincent Añover  sa Conrad Hotel. Kris Jose