Gov’t official na sangkot sa agri smuggling patawan ng mas mabigat na parusa – solon

Gov’t official na sangkot sa agri smuggling patawan ng mas mabigat na parusa – solon

November 4, 2022 @ 1:04 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang mambabatas ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa kung ang mga sangkot sa agricultural smuggling ay mga opisyal at kawani ng gobyerno.

Layon ng House Bill 5742 na inihain ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee na maamyendahan ang Republic Act No. 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 upang mapasama ang mga opisyal o kawani ng gobyerno na sangkot sa agricultural smuggling na mapatawan ng mabigat na parusa.

“We need to punish not only the illegal importers but all those involved in agricultural smuggling, including public officials and employees with perpetual absolute disqualification from holding office. The agriculture sector will not progress and issues relating to it will not be solved if the supposed protectors and implementors of public interest are behind agricultural smuggling,” pahayag ni Lee.

“Strict enforcement is needed as government officials and employees are agents of the people. The power and position entrusted to them should only be used for the benefit of all and not for their own personal gain,” giit pa nito.

Sinabi ni Lee na sa ilalim ng RA 10845 ang large-scale smuggling ng agricultural products ay tinuturing na “economic sabotage” ngunit sa kabila nito ay nananatiling talamak pa rin ang agricultural smuggling kaya naman dapat tignan kung may mga sangkot na opisyal ng gobyerno.

Sa ilalim ng panukala ni Lee ay papatawan ng habambuhay na pagkakulong at multa na doble ng ipinuslit na produkto ang ipapataw sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na mapapatunayang sangkot. Gail Mendoza