Gov’t officials na lumalabag sa quarantine protocols dapat panagutin – Sotto

Gov’t officials na lumalabag sa quarantine protocols dapat panagutin – Sotto

May 13, 2020 @ 5:46 PM 7 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi dapat maging exempted ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga papanagutin o parurusahan dahil sa paglabag sa quarantine protocols, ayon kay Senate President Vicente Sotto III nitong Miyerkoles, Mayo 13, sa gitna ng kontrobersyal na mañanita ng isang ranking police official.

“Kung ang mga pangkaraniwang mamamayan natin ay sinisita natin at pinagsasabihan natin kapag ito’y nagba-violate, dapat tayong mga opisyales din ay sisistahin kapag nagba-violate,” saad ni Sotto sa isang virtual interview.

Aniya ang execution ng Bayanihan to Heal as One Act, kabilang ang penal provision nito ay nasa kamay na ng executive department.

Giit ni Sotto, hindi isang magandang halimbawa para sa publiko ang naganap na mañanita ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas sa gitna ng health crisis.

“Hindi maganda, kung totoong party. Hindi maganda at hindi tama. Kung hindi naman party… ito raw ay may mga nag-mañanita, siguro sandali lang ‘yun but then again if social distancing is not practiced, hindi mabuti iyon,” aniya.

“It does not give a good example to our countrymen,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa senador, maaari ring maglabas ng iba pang disciplinary action ang Philippine National Police (PNP).

“Mayroong sariling rules of procedures kasi ang Philippine National Police. They can perhaps discuss the possibility of filing an administrative complaint against an erring official,” aniya.

Nauna nang humingi ng dispensa si Sinas sa naganap noong kaarawan nito ngunit iginiit na “edited and grabbed from old posts” ang ilang larawan na kumakalat online. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...