Gov’t officials ng Negros Oriental, all out support kay Gov. Teves

Gov’t officials ng Negros Oriental, all out support kay Gov. Teves

June 30, 2022 @ 2:25 PM 1 month ago


TILA isang malaking pahiwatig na ang probinsya ng Negros Oriental ay magkakaroon ng malaki at magandang pagbabago matapos magtipon ang mga mambabatas, mga alklade at bise alkalde at ibang opisyales upang suportahan at saksihan ang oathtaking ni Governor-elect Pryde Henry Teves na ginanap ngayong araw, Hunyo 30.

Sa unang pagkakataon, ramdam ng mga Negrosanon ang magandang kinabukasan na kanilang aasahan sa pamumuno ni Gov. Teves lalo pa at lahat ng alkalde ng probinsya ay todo suporta sa bagong luklok na governador ng probinsya.

“Kalimutan po muna natin ang politika, magsama-sama po tayo para sa pagunlad. Congratulations to Gov. Teves, alam ko na Malaki po ang iyong maitutulong sa Negros Oriental lalo na sa unang distrito. Kami po ay nasalikod mo upang sumuporta,” pagbati ni Negros Oriental 1st District Rep. Josy Limkaichong.

“Umasa po kayo na hindi po kayo mabibigo. Lahat ng ito ay susuklian ko ng todo-todong serbisyo publiko para sa ikakauunlad ng Negros Oriental at bawat Negrosanon,” maikling pahayag ng bagong Gobernador.

Makikita sa larawan ang ilan ang ilang opisyales ng probinsya na masayang nagpakuwa kasama si Gov. Teves sila (mula sa kaliwa) From left: Bayawan Mayor Jack Raymond, Bayawan Vice Mayor Henry Carreon, Sta. Catalin Mayor Peve Ligan, Manjuyod Mayor Andaya Raffy, Bacong Mayor Lenin Alviola, Deputy Speaker and 3rd District Rep. Arnie Teves, Governor-elect Pryde Henry Teves, 1st District Rep. Jocelyn Limkaichong, Sibulan Mayor Mercy Goñi, Tanjay Vice Mayor Neil Salma, Amlan Vice Mayor Alan Tan, Amlan Mayor Manjoe Sycip, Bais Mayor Luigi Goñi, Sibulan Vice Mayor Dirky Fontello, Ayungon Vice Mayor Nilda Fabillaran, Jimalalud Mayor Hazel Tuanda at Canlaon Mayor Bachok Cardenas. RNT