Gov’t personnel, makatatanggap ng year-end bonus, cash gift simula Martes

Gov’t personnel, makatatanggap ng year-end bonus, cash gift simula Martes

November 14, 2022 @ 6:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang tanggapin ng mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno ang kanilang year-end at cash gift bonus  simula bukas, Nobyembre 15, 2022.

Ang kabuuang budget para sa pagbibigay ng year-end bonus para sa kwalipikadong civilian at military/uniformed personnel sa iba’t ibang national government agencies ay  P56,733,480,000.

Sa kabilang dako, sa ilalim ng  FY 2022 General Appropriations Act (GAA), ang kabuuang appropriations para sa pagbibigay ng cash gift ay P8,619,540,000.

“The release of the year-end bonus and cash gift is provided naman po under our GAA for this year. For sure, many of our fellow government workers have been looking forward to this. We wish to remind our fellow government workers to budget and spend wisely, as what we would always promote here at the DBM,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.

Ang rules and regulations sa pagbibigay ng  year-end bonus at cash gift ay nakasaad sa ilalim ng  DBM Budget Circular (BC) No. 2016-4 na may petsang Abril 28, 2016.

Ang year-end bonus ay katumbas ng  isang (1) month basic pay “as of October 31” at ang  cash gift na P5,000 ay dapat na ibigay sa mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno  “not earlier than November 15” ng kasalukuyang taon.

Nakasaad din sa  rules and regulations na ang  year-end bonus at cash gift ay dapat na ipagkaloob sa mga kwalipikadong mga tauhan ng gobyerno, “subject to the following conditions: personnel has rendered at least a total or an aggregate of four (4) months of service from January 1 to October 31 of the current year, and personnel remains to be in the government service as of October 31 of the same year.” Kris Jose