Gov’t, private partnership sa COVID response maipagmamalaki ni PBBM sa WEF – NEDA

Gov’t, private partnership sa COVID response maipagmamalaki ni PBBM sa WEF – NEDA

January 18, 2023 @ 4:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na pwedeng maipagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) ang naging pagtutulungan ng gobyerno at ng pribadong sektor laban sa COVID 19 pandemic.

Sa Laging Handa Public briefing, inihayag ni Edillon na naipapakita kasi ng naging pagtutulungan na naging isang importanteng sangkap ito upang mabilis na makabangon ang Pilipinas mula sa pandemya.

Nakatulong din ang macroeconomic fundamentals sa mabilis na recovery ng bansa habang mahalaga din ayon kay Edillon na maipagmalaki ang resiliency o katatagan ng mga Pilipino sa harap ng mga kalahok sa World Economic forum.

Bukod pa aniya rito, importante na mabigyang-diin ng Pangulo na bukas na ang pintuan ng Pilipinas sa renewable energy sector gayundin ang interes ng bansa sa teknolohiya na aniya’y makakatulong ng malaki sa mabilis na pag-unlad.

Ang mga ito sabi ni Edillon ang maituturing na investment regime –resiliency, macroeconomic fundamentals at pagtutulungan tungo sa mabilis na naging pagbangon mula sa pandemya. Kris Jose