Gov’t projects bawal ipatigil ng lower courts, CA – SC

Gov’t projects bawal ipatigil ng lower courts, CA – SC

October 17, 2022 @ 7:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinagbabawal sa mga korte at appellate courts ang pag-iisyu ng temporary restraining orders o injunctions laban sa mga proyekto ng national government.

Ipinaalala ng Supreme Court (SC) sa publiko ang batas na ipinatupad taon 2000 na nagbabawal sa mga trial at appellate courts na ipahinto ang mga government projects.

Ang paalala ng SC ay nakapaloob sa resolusyon na nagbabasura sa apela ng Metro Rail Transit Corporation (MRTC) at Metro Rail Transit Holdings II, Inc. (MRTHI) na ipahinto ang Department of Transportation (DOTr) sa pagbili ng 48 new light-rail vehicles mula sa ibang supplier para sa Metro Rail Transit (MRT) 3.

Ayon sa SC nakapaloob ito sa Republic Act No. 8975 o an Act to Ensure the Expeditious Implementation and Completion of Government Infrastructure Projects para maiwasan ang mga hindi kinakailangan na pagtaas sa gastusin at upang matamasa na ng publiko ang benepisyo ng mga proyekto.

Nakasaad sa Section 3 ng naturang batas na tanging ang SC ang maaring magpalabas ng injunction sa mga proyekto ng pamahalaan.

Sa SC resolution pinagtibay nito ang naging desisyun ng Makati City regional trial court (RTC) at Court of Appeals (CA) na parehong nagbasura sa petition for injunction ng MRTC at MRTHI. Teresa Tavares