Gov’t target mapalawig shelf life of expired, near expiry COVID-19 vaccines — DOH

Gov’t target mapalawig shelf life of expired, near expiry COVID-19 vaccines — DOH

December 11, 2021 @ 12:26 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad ng pagpapalawig ng shelf life ng ilang COVID-19 vaccines na mapapaso o expired na, base sa Department of Health (DOH).

Sa panayam ng Dobol B TV, sinabi ni Health Undersecretary and National Vaccination Operations Center chairperson Myrna Cabotaje na tinitingnan na ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) ang stability data na isinumite ng manufacturers upang matukoy ang shelf life ng ilang batch ng COVID-19 vaccine dose na malapit nang mapaso.

 “Ang kanilang pag-aaral ay depende sa klase ng bakuna.”

Dagdag pa ni Cabotaje, hinihintay na lang ng DOH at FDA ang datos na isinumite ng manufacturers.

“Wala tayong dini-dispose kagaya ng sabi ko kanina naka-quarantine ‘yan. Ibig sabihin ‘pag naka-quarantine hindi puwedeng gamitin pero tinitignan kung puwedeng gamitin. They’re all in the regional warehouses of DOH, regional health offices.”

“So kung may nakita na may mga datos na beyond six months, nag-e-extend sila,” dagdag pa nito.

“‘Yung mga shelf life ng mga bakuna nagpo-progress ‘yan depende sa mga paggamit sa buong mundo.” RNT/FGDC