Gov’t walang sinayang na pera vs war on drugs; P74B shabu nasabat

Gov’t walang sinayang na pera vs war on drugs; P74B shabu nasabat

January 25, 2022 @ 6:42 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng Malakanyang na hindi nagsayang at walang nasayang na resources sa war on drugs ng gobyernong Duterte dahil nagresulta naman ito ng pagkasabat sa P74 bilyong halaga ng iligal na droga

“Wala pong sinayang ang administrasyon sa laban sa illegal drugs, the results will speak for themselves. Since July 2016 to November 2021, P74 billion worth of illegal drugs, drug laboratories, and drug paraphernalia were seized and destroyed,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“23,686 barangays were also cleared of illegal drugs.”

Gayundin ang administrasyon ay may zero tolerance pagdating sa extrajudicial killings.

“Ipinagbabawal po natin ang extrajudicial killings at extra-judicial means,” paliwanag pa ni Nograles.

“Whoever is accused of committing that, they will be prosecuted. The Justice Department and National Bureau of Investigation are taking action, and the wheels of justice are rolling.”

Tugon ito ni Nograles sa naging banat ni Senador Panfilo Lacson, na ang drug war ay sobrang nakatuon lamang sa enforcement side dahilan para mahirapan itong mawalis ang ilegal na droga.

Idagdag pa na ang Duterte administration ay nahaharap sa posibleng pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC) ukol sa di umano’y crimes against humanity sa konteksto ng police anti-drug operations. Kris Jose