‘Goyo’ inaasahang papatok sa millenials

‘Goyo’ inaasahang papatok sa millenials

July 24, 2018 @ 7:29 PM 5 years ago


 

Umaasa ang bida sa sikat na historic film na ‘Heneral Luna’ na si John Arcilla na magiging mabenta ang sequel nitong ‘Goyo: Ang Batang Heneral’ sa mga kabataan o millenials.

Iikot ang kwento nito sa pinakabatang heneral at bayani ng bansa na si Hen. Gregorio del Pillar.

Ayon pa kay Arcilla, maaaring mapagkunan ng kabataan ng inspirasyon ang pelikula kung paano sila makakapaglingkod sa bayan.

Ipalalabas na sa September 8 ang pelikulang pagbibidahan ni Paulo Avelino sa direksiyon ni Jerrold Tarog. (Remate News Team)